346 - Ang Pag-asa'y Ikaw

Ang pag-asa'y Ikaw
O Korderong mahal Diyos na banal;
Ang samo'y pakinggan, ako ay punasan,
Nang sa kabanalan ay magtibay.

Puso ko'y tibayan,
Kalul'wa'y basbasan, bigyang buhay;
Ako'y h'wag bayaan, sala ko'y hugasan,
Nang maging lubusang iyong tunay.

Habang nabubuhay ako
Sa kadimlan ay akbayan;
Hapis ko'y lunasan, saka liwanagan
At nang di maligaw sa 'Yong daan.

0:00 0:00